Advertisers

Advertisers

PULIS NIRATRAT SA BOARDING HOUSE!

0 243

Advertisers

PATAY ang isang pulis nang atakehin ng riding in tandem sa Barangay Homestead, Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa ulat kay Police Colonel Ranser Evasco, director ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office, kinilala ang biktima na si PSMS Aldwin Aspacio James, 43 anyos, miyembro ng PNP Aritao at residente ng Gov’t. Center Subd. Baguio City.

Sa report, walang habas na pinagbabaril ng riding in tandem ang biktima sa kanyang boarding house.



Ayon sa ulat, lulan ang mga salarin ng kulay gray na Yamaha NMAX na walang plate number at tumakas patungo sa direksyon ng bypass road.

Nagtamo ang pulis ng anim na tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa krimen. (Rey Velasco/Mark Obleada)

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More