Advertisers
GINIBA ng Adalem Construction – St.Claire ang EcooOil-La Salle 72-64 sa Game 2 ng 2022 PBA D-League Aspirants Cup semifinals, Linggo sa Araneta Colesium.
Pinamunuan ni Jimboy Estrada ang opensa ng Saints sa kinamadang 22 points, six rebounds at three assists.
Joshua Fontanilla nagdagdag ng 21 points, kabilang ang dalawang free throws sa nalalabing 19.5 seconds para ikandado ang panalo at itulak ang best-of-three sa decider sa Miyerkules, August 17, sa Big dome.
“Like what I told them, we need to break their press. Kasi last game, 35 points sila off our turnovers, so this time we made sure na ma-break namin ng maayos. ‘Yun ang nag-spell ng difference,” Wika ni coach Jinino Manansala.
Senegalese center Babacar Ndong nalimitahan sa two points pero kumana ng game-high 15 rebounds.
Samantala, walang EccoOil-La Salle player na umiskor ng double figures maliban kay Ben Philipps, na nagtala ng 15 points sa talo.