Advertisers

Advertisers

BRIGADA ESKUWELA 2022 NI CONG. ARJO ATAYDE

0 392

Advertisers

Muling inilunsad ni Quezon City District 1 Congressman Arjo Atayde ang Brigada Eskuwela 2022 na taunang programang pinasimulan niya nitong nakaraang taon 2021 bilang pag-asiste sa 35 public school sa kanilang distrito.

Nitong nakalipas na taong Brigada Eskuwela ay namahagi ng donasyon si Atayde ng mga kagamitang pang-eskuwela, pang-opisina at pandemic safety tulad ng alkohol at face masks.

Ngayong taon, maliban sa mga school supplies na ipinamahagi ay katuwang nito ang J&T Express ay nagbigay rin ng tig-P10,000 financial assistance para sa mga eskuwelahan.



“Education is one of the major thrusts of my platforms when I was campaigning and this is one of the programs I started in 2021 that I will surely continue. Aside from school supplies, the school can use the cash support to augment their individual funds for whatever necessity they will need for the coming school years,” pahayag ni Atayde.

Ang Brigada Eskuwela 2022 ngayon ni Atayde ay tinungo ang Toro Hills Elementary School areas 1, 2, at 3 at sa E Ridriguez Jr High School para sa mga area ng 4, 5, at 6.