Advertisers
Patay ang isang bata na naliligo sa ulan ng tama ng kidlat sa Barangay Cabaloangan Norte, Rosales, Pangasinan.
Kinilala ang nasawi na si Laurence Arven Torres, 9 anyos.
Halos gumuho ang mundo ng inang si Jealyn Torres sa sinapit ng kaniyang anak.
Sa ulat, napuno ng lapnos at sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima. Dinala pa ospital si Laurence ngunit idineklarang dead on arrival.
Ayon sa ina, naliligo lang ang kaniyang anak kasama ang kaniyang kaibigan sa ulan nang biglang tamaan ng kidlat.
Suwerte namang nakarekober ang menor de edad na kaibigan ng biktma na tinamaan din ng kidlat.
Muling pinapaalala ng otoridad na iwasan ang pagliligo sa ulan habang kumukulog at kumikidlat. At iwasan ang paggamit ng gadget habang kumukulog o kumikidlat.