Advertisers
BALIK-SELDA ang isang ex-convict nang makuhanan ng higit P4.3 milyon halaga ng shabu sa isinagawang operasyon sa Bacolod city nitong Linggo.
Kinilala ang suspek na si Ahzer Villarosa, 38-anyos, at residente sa Purok Masinadyahon, Brgy. Pahanocoy, Bacolod City.
Ayon kay Police Major Joery Puerto, station commander ng Police Station 8, dakong 8:00 ng gabi nang madakip ang suspek sa nasabing lugar kung saan target ang mga convicted criminal at isinailalim sa isang buwan monitoring ang suspek.
Nakuha sa suspek ang 8 pirasong nakabalot na shabu na may bigat ang bawat isa na 100 gramo at aabot halagang P4,318,000.
Nabatid, na nakulong na si Villarosa sa kasong pagpatay at nakalabas ito ng piitan taon 2019.
Nahaharap ngayon si Villarosa sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.