Advertisers

Advertisers

Francine naranasang magutom at palayasin sa bahay

0 144

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGBALIK-tanaw ang Kapamilya actress na si Francine Diaz sa lahat ng kanyang pinagdaanan para maka-penetrate sa showbiz at matupad ang pangarap niyang maging artista sa vlog ng YouTuber na si Wil Dasovich.
Aniya, galing daw siya sa mahirap na pamilya at talagang iginapang lang ng kanyang magulang para may makain sila sa araw-araw.
Katunayan, hinding-hindi raw niya malilimutan na may mga pagkakataong naputulan sila ng kuryente dahil wala silang pambayad.
Na-experience na rin daw niya at ng kanyang pamilya ang mapalayas sa kanilang inuupahang bahay dahil kapos sila sa pera.
Dahil kapos din sa pambili, may mga pagkakataon daw na ang sabong panlaba ang ginagamit niyang shampoo sa kanyang buhok.
Kahit minsan na sumasala sila sa pagkain dahil sa pagkakasya ng budget, naging prayoridad daw sa kanya noon ang pagbili ng gatas ng kanilang bunso.
Noong mag-artista raw tinipid din daw niya ang kanyang sarili para lamang matupad ang kanyang pangarap sa kanyang pamilya na magkaroon ng disente kundi man maginhawang buhay.
Nakita raw niyang sa pamamagitan ng pag-aartista ay posibleng maiahon niya ang pamilya sa kanilang kahirapan.
Sa pagpunta sa auditions, nangungutang daw sila noon ng pamasahe at tinitipid ang kanilang baon para lamang mairaos ang pagbabakasakali sa pag-a-audition.
Noon daw nakaipon na siya, naisumpa raw niya sa sarili na uunahin muna ang kapakanan ng kanyang pamilya para makaahon sila sa kahirapan.
Sa ngayon, lahat daw ng naipon niya ay ang kanyang ina ang naghahawak na matalino namang nai-invest.
Naniniwala rin kasi siyang hindi panghabangbuhay na propesyon ang pagiging aktres kaya naman pinaghahandaan dapat ang kinabukasan sa pamamagitan ng pag-iipon.
Si Francine ay identified ngayon kay Seth Fedelin bilang screen partner pagkatapos ng kontrobersyal na breakup ng SethDrea bilang real life sweethearts.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More