Advertisers

Advertisers

Pagsasanay sa LTO traffic enforcers, palalakasin

0 127

Advertisers

Isasailalim ng Land Transportation Office (LTO) sa regular na pagsasanay ang kanilang mga traffic at law enforcement personnel upang mapahusay pa ang pagganap ng tungkuling sa pagpatupad ng mga batas-trapiko.

Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Teofilo Guadiz III, ang pagsasanay ay isa sa mga programa para tiyaking maipatutupad ng tama ang mga batas para sa kapakanan ng publiko.

“I believe that with the enormous amount of personnel we have, some of them may be lacking in knowledge of traffic law enforcement. That is why we think that conducting trainings and seminars on a continuous basis is the answer. Regular trainings have long been a part of my tenure as LTO Regional Director for 12 years, so I think it’s best to apply the same now that I’m the LTO chief,” pahayag ni Guadiz.



Sa kasalukuyan, ang lahat ng traffic enforcers ay sumasailalim sa “once-a-year, live-in seminar” sa loob ng dalawang araw, sa layunin na maging pamilyar ang kanilang mga tauhan sa mga batas na maaaring nagkaroon ng pagbabago at maobserbahan din ang kanilang pag-uugali at kilos sa lansangan.

Planong gawing “mandatory” ang taunang pagsasanay na kahalintulad din sa ibang larangan upang masigurong hindi makalilimutan ng kanilang mga tauhan ang mga regulasyon at batas-trapiko sa bansa.

Sinabi pa ni Guadiz na ang pagsasanay ay hindi lamang nakatuon sa mga enforcer kung hindi maging sa lahat ng LTO district office chiefs sa bansa upang mahasa ang kanilang managerial skills.

“Proper enforcement of the country’s traffic laws is a must, the LTO being an apprehending agency. The constant and continuing re-training will help the LTO make sure that its traffic enforcers become more efficient and knowledgeable on which specific law to apply and improve traffic apprehension methods on the road,” giit pa ng LTO chief.

Giit pa ni Guadiz na kung ang motorista ay kinakailangan na sumailalim sa pagsusulit bago mabigyan ng pribilehiyo na magka-lisensya ng pagmamaneho ay dapat din na ang kanilang traffic enforcers ay sumalang sa eksaminasyon hinggil sa nalalaman sa mga batas-trapiko. (Almar Danguilan)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More