Advertisers

Advertisers

Andi kinakarir ang paggawa ng daing sa Siargao

0 215

Advertisers

Ni WALLY PERALTA

TALAGANG no stopping now for Andi Eigenmann to be a typical probinsyana mother and partner to the father of her baby boy named Koa and baby girl Lilo.
Sa pinakahuling vlog kasi ni Andi ay pinakita niya kung paano gumawa ng tuyo na maiuulam sa pang-araw-araw. Say ni Andi, kinakailangan daw niyang samantalahin ang init ng araw ngayong Christmas season para makabilad ng mga isdang ginawang daing or what they call buyad on Siargao island, kung saan ngayon permanteng naninirahan si Andi kasama ang kanyang pamilya.
“This is the time on the island na minsan na lang ‘yung sunny weather. Kaya ngayon we want to take advantage of the sunny weather and gagawa kami ng buyad. Inexplain lang sa akin ni Philmar ng konti kung paano ‘to gawin,” say ni Andi.
Sa naturang vlogsite ay pinakita ni Andi ang kanyang paraan sa paggawa ng daing, tulad ng patis, suka, tubig-alat, asin at paminta. Pati kung paano hahatiin ang mga isda ay dinemonstrate rin ni Andi sa kanyang blog.
***
FEELING lucky ang isa sa Vivamax sex siren na si Micaella Raz dahil sa kanya napunta ang isang movie na “Bata Pa Si Sabel” and totallly hindi ito remake ng dating movie na may kaparehong pamagat, na ang bidang babae ay si Snooky Serna under Regal Entertainment shown last 1981 under the direction of the late Joey Gosengfiao.
Ang Vivamax movie na “Bata Pa Si Sabel” ay isang drama-suspense flick about love and revenge. The movie is the directorial debut of Reynold Giba, who wrote the scripts of “Sisid” and “Virgin Forest” for Direk Brillante Mendoza who he considers as his mentor at magsisimula nang mapanood via streaming sa December 2 sa lahat ng Vivamax Apps
Micaella plays Sabel, a young bride who is gang-raped during her honeymoon, with Benj Sangalang as her ill-fated husband, Bryan. Sa kanilang honeymoon suite ay biglaang pinasok ito ng 3 kalalakihan at doon ay pinagsamantalahan ng tatlo si Sabel samantalang walang magawang asawa si Bryan na luhaang nakatingin lang sa pagmomolestiya sa kanyang misis.
Sa istorya ay papatayin ang bagong kasal and miraculously makaka-survived si Sabel at dito na nga magsisimula ang revenge niya sa 3 rapist at pumatay sa kanyang mister.
“Napakaganda ng role at ng project kaya I feel so lucky na sa akin napunta ito. I really did my best nang hindi sila magsisi sa pagtitiwala nila sa akin. And I’m thankful na kinuha nila ang two elder sisters ko, Angela Morena and Stephanie Raz, to be part of the cast.
“We shot the movie on location in Mindoro for one month at talagang sinuportahan nila ako nang husto,” asay ni Micaella.