Advertisers
Ni JOVI LLOZA
SA isang panayam ni Piolo Pascual ay na tell all na nito ang mga nangyari sa kanyang buhay.
Bago pa man siya nagsimula sa showbiz, sa Tate nag-work nang maaga ang aktor at napaisip na bumalik ng Pinas at sumubok ulit sa showbiz.
Nasalang pala biglaan si Piolo sa hit movie ni Carlo Caparas noong bata pa ito na pinagbidahan ni Kris Aquino na Vizconde Massacre.
Wala raw kasi at di sumipot ang batang dapat isasalang.
Ang namatay nitong ama ang nagpasok sa kanya sa showbiz.
Kaya pagbalik nito Pinas para sa showbiz mula Tate ay sinuwerte at nagkasunud-sunod na ang proyekto ni Piolo.
Na-shock ang netizens nang umamin itong nalunod sa tagumpay noon at lumaki ang kanyang ulo.
Pero bigla itong nagpreno at tila may pumitik sa kanya na huwag pairalin ang paglaki ng ulo at wala itong patutunguhan.
Sa kabila noon ay nagpasalamat ang aktor sa Itaas sa tinatamasa nitong tagumpay hanggang ngayon.
***
IMBES na talakan at magalit si Robi Domingo na nadamay sa baragan nina Zeinab Harake at Wilbert Tolentino, nanahimik ito.
Na-screenshot kasi ang convo nila sa pagsasabi ni Zenaib na mahina raw ang market ni Robi.
Sa paliwanag ni Robi, mahalaga raw sa kanya ang audience kaysa market.
Minsan nga raw gagawa ka ng content na ini-expect ng creator na papatok hindi pala, sey ng TV host.
Kanya-kanyang taste raw ang netizens kung ano ang gusto nilang panoorin.
Inamin din ni Robi na stressful ang social media dahil sa reach at engagement ng create mong video.
Hindi naman itinatanggi ni Robi na mahina ang market niya.
Kaya walang dahilan para magalit ito kay Zeinab.
Samantala, nag-proposed na nga si Robi sa kanyang non-showbiz gf sa Shibuya, Japan. Kasalan na ang next chapter sa buhay ng TV host.
Well, well, well…Yun na!