Advertisers

Advertisers

EX-POLICE ‘UTAK’ SA PAGDUKOT SA PINAGSANGLAAN NG LUPA

0 288

Advertisers

INIIMBESTIGAHAN ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagkakasangkot ng isang dating pulis sa pagdukot sa taong pinagsanlaan ng lupa sa Silang, Cavite.

Sinabi ni QCPD director, Brigadier General Nicolas Torre III, lumalabas na hindi ang dating Navy na si Julian Paningbatan ang may-ari ng lupang sinanla kundi ang dating pulis.

“May lumabas na bagong twist ngayon. It appears na hindi si Paningbatan ang may-ari kundi siya ang middleman. Siya ang nautusan ng may-ari na magbenta ng lupa na ‘yun,” ani Torres.



“Ang may-ari ay itong ex-police natin. Tutugisin na naman natin ito ng panibagong anggulo sapagkat there’s a possibility na hindi lang ito ang unang pagkakataon na ginawa nila,” dagdag pa niya.

Nakipag-ugnayan na raw ang QCPD sa nasabing dating pulis, na itinanggi na may kinalaman siya sa pagdukot.

Lumabas sa unang ulat na si Paningbatan, kasalukuyang nakakulong sa Camp Bagong Diwa sa kasong pagpatay, ang itinuturing na mastermind sa pagdukot.

Nitong Lunes, pumunta ang biktima na si Jay Quinones kasama sina Mario Esio, Angelica Nibungco, at Dexter Timbas para tingnan ang sinasanlang lupa sa kanya ni Paningbatan.

Ayon kay Torres, nakapagbigay na ng P700K si Quinones para sa lupang nagkakahalaga ng P4.5milyon
Inalok daw ni Paningbatan si Quinones na bayaran na ang natitirang halaga ng lupa sa gitna ng kanyang problema nang mapatay niya ang kanyang dating nobya at dalawang iba pa.

Sinabihan daw ni Paningbatan sina Quinones na daanan ang dalawa niyang kasama sa Tondo, Manila, at Bicutan at isakay sila papunta sa lupa sa Silang.



Pagdating nila sa sinasanlang lupa, naabutan ng mga biktima ang dalawa pang lalaki.

Ginapos ng mga suspek ang mga biktima at hinahanap ang bag na may pera, ngunit nasa P20,000 lamang perang dala ng biktima.

Gamit ang mga sasakyan ng mga biktima, pinaikot-ikot sila ng mga lalaki mula Cavite ng halos 10 oras hanggang sa makarating sila sa Balintawak.

Habang nasa loob ng sasakyan, nakatakas sa pagkakatali ang ilan sa mga biktima at ginulpi ang mga suspek.

Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek na sina Jose Pantungan Rhea at pinsan nitong si Mateo Ramos.

Si Rhea ang kinuyog ng mga biktima sa EDSA-Balintawak nitong Lunes.

Ayon sa ulat, si Ramos ang tinuturong caretaker ng sinasanglang lupa. Ngunit itinanggi niya na may alam siya sa krimen.

Itinanggi rin ni Rhea na sangkot siya sa krimen at sinabing makikisabay lang dapat siya pinsan para makauwi sa Pangasinan.

Dalawa pa ang tinutugis na suspek ng pulisya.

Ayon sa QCPD nitong Martes, kinasuhan ng kidnapping/illegal detention, grave coercion, carnapping, at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang mga suspek.

Leave A Reply

Your email address will not be published.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More