Advertisers

Advertisers

Babaeng estapador nakabiktima ng 200 katao, timbog!

0 193

Advertisers

ARESTADO ang 33-anyos na babaeng travel agent nang ireklamo ng estafa ng 200 katao na kanyang nilo ko sa Quezon City.

Ayon sa Anonas Police Station, nasa 200 indibidwal ang nagreklamo laban kay “Clara Therese Basbas” na nagtatrabaho sa isang travel agency sa Quezon City.

Ito raw ang kausap ng mga biktima nang magpa-book ng flight at magpa-arrange ng domestic at international tour. Pero matapos nilang magbayad, wala itong maibigay na plane ticket at itinerary.



Itinanggi naman ni Clara na itinatakbo niya ang mga bayad. Nagkaroon daw ng problema ang travel agency na kaniyang pinagtatrabahuhan pero tumangging sabihin kung ano ito.

Dagdag pa niya, siya ang humaharap at nakikipag-usap sa mga kliyente kaya siya ang nadidiin sa reklamo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">