Advertisers
KASABAY ng panawagang ‘hustisya’ ay tahasang kinondena ang Department of Justice (DOJ) ng mga magulang ng nasawing mga kabataang public school student matapos mabakunahan ng Dengvaxia.
Ang pagkondena ng mga magulang ay kasunod ng walang katotohanang lumabas sa mga pahayagan na naayos na ng DOJ at Public Attorney’s Office ang usapin sa pagkakaroon ng conflict of interest sa mga kasong may kinalaman sa Dengvaxia.
Mariing kinondena ng grupong Samahan ng mga Magulang si DOJ Undersecretary Jesse Hermogenes T. Andres na dating abogado ni dating DoH Secretary ngayo’y Congresswoman Janette L. Garin, isa sa mga respondent sa Dengvaxia cases.
Sa ginawang news conference sa PAO office sa Quezon City, hiling ng grupo na magbitiw ang panel of state prosecutors at si Usec. Andres sa paghawak ng mga kaso ng mga batang namatay dahil sa Dengvaxia.
Anila, nawala ang pagtitiwala nila sa panel of state prosecutors lalo na at wala silang nakikitang pagmamalasakit na at marami silang isinampang kaso na dinismis lang ng panel.
Kinondena rin ng grupo ang DoH sa kasalukuyan dahil wala nang MOA hinggil sa sakit na Denge kung saan ang tanging takbuhan ng tulong ng mga nabiktima ay DoH.
Nabatid naman sa mga miyembro ng Philhealth na ang sakripisyong tulong ng PAO sa mga biktima ay halos nagkaroon ng hustisya kaya lang talagang mabagal, nako- corrupt at napupulitika ang ilang opisyales ng ahensiya. (JUN FABON)