Advertisers

Advertisers

FR. WINSTON CABADING KINASUHAN NI EX-JUSTICE HARRIET DEMETRIOU SA PANGUNGUTYA NG ‘BIRHEN’

0 412

Advertisers

Kilala ang mga pari bilang mga alagad ng simbahan o taong nagsasakripisyo at nagdarasal sa Diyos para sa mga tao sa mundong ibabaw.

Kung susuriing maigi, sa sinaunang Israel ay kinakailangan naman na isinilang mula sa tribo ni Levi ang isang pari.

Subalit may mga pari rin naman daw sa kasalukuyan na para bang naliligaw ng landas.



Gumagawa sila ng mga bagay na waring salungat daw sa kalooban ng Maykapal.

Halimbawa na lang daw diyan ay si Fr. Winston Cabading ng Archdiocese of Manila Office of Exorcism.



Si Cabading ay kinasuhan ng isang dating mahistrado dulot naman ng sinasabing pangungutya, malisyoso at mapanira nitong mga lecture o pahayag laban sa Our Lady Mary Mediatrix of All Grace.

Kasong paglabag sa Article 133 ng Revised Penal Code o offending religious feelings ang inihain ni dating Sandiganbayan Associate Justice at ex-Commission on Elections Chairman Harriet Demetriou sa Quezon City Prosecutor’s Office laban kay Cabading.



Ayon kay Justice Demetriou, tila pinagtawagan daw ni Cabading ang napaulat na pag-ulan ng mga talutot ng rosas at ang pagkakaroon ng langis sa imahen ng Birhen.

Naku, nabanggit din sa demanda na sa isang conference daw pala ay kinutya ni Cabading ang mga aparisyon ng Birheng Maria sa Lipa City, Batangas noong 1948.

Maliban dito, sa lecture naman daw ng pari na pinamagatang “Basic Catholic Theology on Angels and Demons, Angels in Christian Life” ay binatikos daw ng pari ang serye ng pagpapakita ng himala ng Birhen na nasaksihan daw pala ng ilang madre noong mga panahong iyon.

Talagang nakakagalit nga naman daw ang ginawa ng pari.

Paano nga kasi, kung uukilkilin daw nang mabuti, hindi lang ang Our Lady Mary Mediatrix ang kinutya o hinamak ni Fr. Cabading kundi maging ang mga deboto o mananapalataya?

Katunayan, ang ginawa ng pari ay tinawag ng dating Comelec chief na “notoriously offensive”.

Sabi nga sa demanda, aba’y tinawag daw pala ni Fr. Cabading ang Mediatrix of All Grace bilang ‘demonic’ o may sa demonyo.

Tsk, tsk, tsk.

Ang matindi pa, wala raw palang Diocesan Verdict at Papal Decree na kumokontra sa aparisyon ng Birheng Maria?

Ibig sabihin, walang sumusuporta sa mga naging pahayag at pambabatikos ni Fr. Cabading sa pagmimilagro ng Birhen, ‘di po ba?

Well, sa ngalan naman ng patas na pamamahayag, bukas ang pitak na ito para sa panig ni Fr. Winston Cabading.

***

Katuwang ang SM Foundation at iba pa, ang “Barangay 882” radio program ng inyong lingkod ay matutunghayan sa IZTV Channel 23, DWIZ AM Radio, DWIZ 882 FB page, at DWIZ ON-DEMAND sa Youtube tuwing araw ng Sabado sa ganap na alas-4:00 hanggang alas-5:00 ng hapon. Para naman sa inyong mga sumbong, reaksyon, suhestiyon, etc., maaari n’yo po akong i-email sa gil.playwright@gmail.com o kaya’y i-DM sa aking Facebook account (Gilbert Laguna Perdez), Twitter, Instagram, at sa FB page na ‘Gilbert Perdez’. Paki-subscribe na rin ang aking Youtube channel at Tiktok page na ‘Gilbert Perdez’. Salamat at stay safe!