Advertisers

Advertisers

Jokic triple-double sa panalo ng Nuggets vs Grizzlies

0 146

Advertisers

KUMAMADA si center Nikola Jokic ng 13 points, 13 rebounds at 13 assists para sa kanyang ikalawang sunod na triple-double upang tulungan ang Nuggets sa 105-91 pagdispatsa sa Memphis Grizzlies.

Ito ang ikaanim na triple-double ni Jokic ngayong season at pang-82 sa kanyang career para sa 19-11 record ng Denver.

Nagdagdag si Aaron Gordon ng 24 points at may 16 markers si Bruce Brown.



Pinamunuan ni guard Ja Morant ang opensiba ng Memphis (19-11) sa kanyang 35 points at 10 assists.
Ang dunk ni Jeff Green kay Ziaire Williams ang nagbigay sa Denver ng 37-14 bentahe sa first period patungo sa 105-85 pagbaon sa Memphis sa gitna ng fourth quarter.

Sa Miami, humakot si center Nikola Vucevic ng 29 points at 12 rebounds habang may 24 markers si DeMar DeRozan para igiya ang Chicago Bulls (12-18) sa 113-103 panalo sa Heat (16-16).

Sa New York, tumipa si Immanuel Quickley ng 22 points kasunod ang 21 markers ni Jalen Brunson sa 132-94 paggupo ng Knicks (18-13) sa nagdedepensang Golden State Warriors (15-17).

Sa Phoenix, humataw si Kyle Kuzma ng 29 points sa 113-110 paglusot ng Washington Wizards (12-20) sa Suns (19-13).

Sa Detroit, kumamada si center Lauri Markkanen ng 38 points, tampok ang career-high na siyam na triples sa 126-111 panalo ng Utah Jazz (18-16) sa Pistons .

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">