Advertisers

Advertisers

Binatilyo nasawi sa magdamagang paglaklak ng alak

0 193

Advertisers

HINDI na naisalba pa sa pagamutan ang buhay ng 15-anyos na binatilyo nang hindi na magising matapos makipag-inuman ng magdamagan sa barkada sa Barangay Maharlika West, Tagaytay City.

Kinilala ang nasawi na si Luis Torrecampo Jr, isang estudyante, ng Purok 99, Brgy. Maharlika West.

Sa imbestigasyon ni Police Sergeant Joseph Ryan Bascugin, may hawak ng kaso, 1:00 ng hapon nang gisingin ng nakainuman nitong kapwa binatilyo na itinago sa pangalang Ivan, 16, upang pauwiin na. Pero kahit anong gising nito sa kaibigan ay hindi manlang ito gumagalaw kaya agad nitong tinawag ang ama ng biktima na dali-daling nagtungo sa lugar at itinakbo sa pagamutan subalit idineklarang “dead-on-arrival”.



Inaalam pa ng pulisya kung ano ang sanhi ng pagkasawi ng estudyante.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">