Advertisers

Advertisers

Mayor Along nagpaabot ng tulong sa mga street dwellers

0 122

Advertisers

Nagsagawa ang Caloocan City Government, sa pangunguna ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ng reach-out operations sa iba’t ibang Barangay sa North Caloocan para matulungan ang mga street dwellers, lalo na ang mga batang nasa panganib, noong Biyernes, Enero 13.

Tinulungan ng City Social Welfare Development Department (CSWDD) ang kabuuang 34 na indibidwal mula sa Barangay 170, 174, 175, 177, 178 at 188.

Ayon kay CSWDD Officer-in-charge Roberto Quizon, nagsasagawa ang departamento ng mga reach-out operation na naaayon sa direktiba ni Mayor Along na tulungan ang mga mahihinang sektor, kabilang ang mga kabataang walang tirahan at problemado.



“Inatasan po tayo sa umpisa pa lang ng mga termino ni Mayor Along na kalingain ang higit na mga kaganapan, lalo na ang gabayan ng kabataan at tulungan ang mga street dwellers sa ating lungsod,” wika ni Quizon.

Binigyan ang nasabing mga indibidwal ng tulong medikal, pagsusuri sa antigen, mainit na pagkain at pagpapayo. Itinuro ang mga menor de edad na babae sa Social Development Center ng lungsod habang ang mga menor de edad na lalaki ay ipinadala sa Tahanang Mapagpala at Bahay Pag-Asa.



Pinuri ni Mayor Along ang CSWDD sa pagsisikap nitong tumulong sa paglilinis ng mga lansangan at pagsagip sa buhay ng mga indibidwal mula sa pinsala at ilegal na droga.

“Nagpapasalamat po tayo sa CSWDD sa pagtugon at pagkalinga sa ating mga kababayan at pagbibigay ng pagkakataon na mailayo sila sa kapahamakan dulot ng paninirahan sa kalsada at ilegal na droga,” wika ni Mayor Along.



“Asahan niyong tuloy-tuloy ang ating pagsisikap na yakapin ang kayang yakapin. Sa abot ng ating makakaya, walang maiiwan sa ating pagseserbisyo sa ating mga kababayan,” dagdag pa ni Malapitan.