Advertisers
PINAWALANG-SALA itong Lunes ng Manila Regional Trial Court si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) board member Sandra Cam sa kasong murder hinggil sa pagpatay sa vice mayor sa Masbate noong 2019.
Inabsuelto rin ng Manila RTC Branch 42 ang anak ni Cam na si Marco Martin, at limang iba pa dahil sa kabiguan ng prosecution na mapatunayan ang kanilang “guilt beyond reasonable doubt”.
Ang decision ay isinulat ni Judge Dinah Aguila-Topacio.
Samantala, sinabi ng legal counsel ni Cam na si Atty. Buenaventura Miranda, umaasa silang makakuha ng kopya ng decision nitong Lunes para sa pagpalaya sa akusado.
Sa kabilang banda, sinabi ni Batuan, Masbate Mayor Charmax Jan Yuson, anak ng napaslang na vice mayor Charlie Yuson III, dismaydo sila sa naging decision at hihirit sila ng “reconsideration”.
Ang kaso ay nag-ugat sa pag-atake-patay sa matandang Yuson at pagkasugat sa kanyang kasamahang si Alberto Alforte IV habang nag-aalmusal ang mga ito sa Sampaloc, Manila noong October 9, 2019.