Advertisers

Advertisers

PNP sa DILG: “‘Wag isama ang walang kinalaman sa iligal na droga sa evaluation”

0 180

Advertisers

MAHIGPIT na pagtutuunan sa pagsusuri ng 5-man committee sa “courtesy resignation” ng mga opisyal ng PNP ang may kinalaman sa iligal na droga at ‘di ungkatin ang mga maliliit na isyu.

Ito ang masidhing pakiusap ni Philippine National Police Chief, General Rodolfo Azurin, Jr., sa Department of Interior and Local Government (DILG) kungsaan tiniyak sa mga miyembro ng third level officers ng PNP na hindi ibilang sa ebalwasyon ng komite ang mga isyu na walang kinalaman sa iligal na droga.

Ito ang kinumpirma ng Heneral matapos nitong makausap ang ilang opisyal ng pulisya na may agam-agam sa bubuo ng evaluation committee ng DILG.



Sinabi ng mga matataas na opisyal na hindi sana magkamali ang komite na paratangan sila ng hindi naman nila ginawa.

Iginiit naman ni Azurin na personal niyang ipinakiusap na huwag maging dahilan ng pagbagsak ng isang opisyal ng PNP ang maliliit na isyu ng nakaraan.



Aminado ang PNP at DILG na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagdesisyon sila kung ano ang mangyayari sa mga matitirang opisyal na magmamatigas sa kanilang panawagan hanggang sa katapusan ng Enero ng taon.(JUN FABON)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">