Advertisers
HINDI nasayang ang milyun- milyong boto ng masang Pilipino kay Senator Raffy Tulfo dahil ngayon pa lang ay kanya nang tinutupad ang pangako na ipagpapatuloy niya ang adbokasiya para sa kapakanan ng sambayanan at ipagtatanggol ang sektor ng mga naapi at walang masandalan sa panahon ng injustice na nangyayari sa kanilang buhay at kabuhayan.
Noong sibilyan pa lang si Sen.Tulfo,ang pagtulong sa kapwa ang kanya nang adhikain at dahil sa aba nitong pamamaraan ng paglilingkod ay naging bukambibig na siya ng masa na nagsilbing sumbungan ng bayan.
May mga nagkaboses at sandigan na sila kapag may kababayang dumaranas ng kaapihan mula sa mas makakapangyarihan sa lipunan at iyong mga nagbabalak pa lang manggulang sa kapwa ay may panlaban agad si Juan na…ipatu-Tulfo ang mga salbahe sa pamayanan.
Lalo ngayong naging Senador na ang tinaguriang idol ng bayan.
Mas malawak na ang poder nitong kastiguhin ang mga pasaway na nangaagrabyado sa kapwa lalo na iyong mga nabigyan lang ng posisyon ay naging mapagsamantala sila at nagpayaman dahil sa kapangyarihang hiram kesehodang ginagamit ang mga mahihina sa kanilang pag-angat sa buhay nang may mga nasagasaan ay wala silang pakialam.
Ipagpatuloy mo Senador Idol ang mga pagsawata sa mga masasama in aid of legislation.
Kayong mga oposisyong walang ginawa para pumuna sa administrasyon na lihis sa sinumpaan bilang mambabatas,tularan nyo si Senador Raffy Tulfo para sulit naman ang pinapasweldo sa inyo ng sambayanang Pilipino.
Di kilalang personal ng korner na ito ang mahal ng masang Senador mula Davao pero saludo sng Uppercut sa kanyang mabuting gawa para sa tao..MISMO!
Speaking of ìdol, hats off tayo sa nagawang kabayanihan ng idolo din ng bayan sa larangan ng palakasan na Ginebra San Miguel sa larong basketball.
Buong giting nilang naipagtanggol ang pride ng kababayan kontra puwersa ng dayuhan.
Kumbaga sa giyera,kumpleto sa sandata ang kalabang Bay Area Dragons mula sa laki,puwersa, shooting,pisikal atbp. Pero natapatan ito ng tapang ,determinasyon,patriotismo at suporta ng tao.
Di nagpalupig ang mga Pilipino sa giyera ng basketball na malapit sa puso natin at lubhang masakit tanggapin ang pagkatalo sa sariling teritoryo sa bakbakang kaya naman tapatan ng tapang.
Salute sa Bgy.GSM …tinalo nyo ang mga dragon mula Hongkong ,China, naiangat lalo ang pride ng PBA ,Gilas at Pilipinas…PUSO!