Advertisers

Advertisers

Fireworks display sa Binondo-Intramuros Bridge sa Chinese New Year

0 246

Advertisers

ISANG kakaibang fireworks display ang masasaksihan ng mga Manileño kaugnay ng pagdiriwang ng Chinese New Year.

Ito ang inanunsyo ni Mayor Honey Lacuna at ito ay gagawin sa newly-built Filipino-Chinese Friendship Bridge o Binondo–Intramuros Bridge, isang tied-arch bridge na matatagpuan sa Pasig River at nagkukunekta sa Muelle de Binondo sa Binondo at sa San Nicolas sa Solana Street at Riverside Drive sa Intramuros.

Sinabi ito ni Lacuna kasabay ng pasasalamat niya kay City Administrator Bernie Ang dahil sa nakuhang suporta nito mula sa Chinese-Filipinos na siyang mag-sponsor ng fireworks display na masasaksihan sa Jones Bridge sa Chinese New Year’s eve.



Tiwalang ipinahayag din ni Lacuna na mas marami pang aasahan sa bisperas ng Chinese New Year sa January 21 dahil ang Chinese New Year’s Day ay papatak ng January 22.

Sinabi pa ng lady mayor na nagsagawa na sila ng serye ng mga pagpupulong kasama ang mga concerned agencies at departments nitong mga nakaraang araw bilang paghahanda sa nalalapit na selebrasyon ng mga Chinese-Filipinos sa Maynila, na siyang pikamalaking at pinakamatandang Chinatown sa bansa at sa buong mundo na walang iba kundi ang Ongpin.



Ayon pa kay Lacuna, ay mas maraming activities ang nakalinya ngayong taong ito dahil sa pag-aalis ng ilang mga restriksyon kontra COVID-19. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">