Advertisers

Advertisers

MAGPALISTA NA SA REGISTER ANYWHERE PROJECT NG COMELEC

0 212

Advertisers

INILUNSAD na ng Commission on Election (COMELEC) ang “Register Anywhere Project (RAP)” nito na naglalayong mairehistrong muli ang mga natanggal sa listahan ng mga botante o kaya nama’y mga bago pang botante.

Maganda ang layunin ng programang ito, dahil yun mga nawala na sa listahan ng voters’ list ay maaari nang ‘magpa-re-activate’. Isa pa di na nila kailangan pang lumayo, dahil gagawin ito sa mga piling malls at ilang ahensya ng gobyerno sa bansa.

Simula noong Enero 12 ay tumatanggap na ang lahat ng RAP sites ng ‘application for reactivation’ ng lahat ng mga botante na na-deactivate sa voter’s records dahil sa hindi pagboto ng dalawang beses na magkasunod o higit pa.



Isinasagawa na ang pagpaparehistro mula nitong Enero 14-15 at 21-22 tuwing Sabado at Linggo sa SM City Sucat, Parañaque City; SM City Mall of Asia, Pasay City; SM City Fairview, Quezon City; Robinson’s Place Manila, Ermita, Manila; Robinson’s Place Galleria, Ortigas, Quezon City; SM City Legazpi, Legazpi City; Robinson’s Place Naga, Naga City; at Robinson’s Place Tacloban, Tacloban City.

Tatanggap din ng mga aplikasyon sa Enero 25 ang RAP site sa Senate of the Philippines sa GSIS Complex sa Pasay City; sa Enero 25-26 sa RAP site din sa House of Representatives, Batasang Pambansa, QC; at sa Enero 10-13 at Enero 16-20 sa RAP site rin sa Government Service Insurance System Main Office, GSIS Complex, Pasay City.



Ang inyo lamang gagawin kung nais niyong maka-boto uli, lalo na sa darating na ‘mid-term elections’ sa 2015, ay mag-accomplish lamang ng isang kopya ng application form (at Supplementary Data Form para sa Senior Citizens at PWDs) na libreng ipinamimigay ng COMELEC. Kailangan rin na magdala ang aplikante ng mga balidong ID mula sa gobyerno.

Tinatanggap rin sa RAP sites ang registration ng mga: 1. Bagong Botante para sa SK Elections (at least 15 years old on or before October 30, 2023); 2. Bagong Botante para sa Barangay, Local and National Elections (at least 18 years old on or before October 30, 2023); at 3. Transfer of Registration Records.



Maaari rin ang mga sumusunod: 4. Registered Overseas Voters na babalik na sa Pilipinas at gusto ng bumoto sa parating na Barangay at SK Elections; 5. Mga Residente ng Lungsod o Munisipyo kung saan merong RAP (kaakibat at dagdag pa sa mga regular registration sa opisina ng Local COMELEC at sa mga Mall Registrations pati na ng Barangay Satellite Registrations); at 6. Mga Senior Citizens at mga Persons with Disabilities (PWDs) na Bagong Botante o magpapa update ng kanilang Voter’s Registration Records.

Samantalahin niyo na ang programang ito ng COMELEC mga kababayan ko, para kayo ay muling maka-boto, sa parating man na Barangay Elections sa taon na ito, o sa mid-term elections sa 2025.

Inaasahang maganda ang labanan sa 2025 lalo na sa Senado dahil maraming lalahok na mga kandidato pihado. Mara­mi man re-electionist, may mga bagong sasabak, at mga taga-showbiz pa na nais pasukin ang pulitika.

Pero di kayo masasali o makakaboto kung di kayo magaapply sa RAP ng COMELEC.