Advertisers
SOLONG napanalunan ng isang Davaoeño ang P35 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Martes ng gabi.
Sa abiso ng PCSO, nabatid na nasa kabuuang P35,314,806.60 ang napanalunan ng lotto bettor Lotto 6/42 winning ticket 34-24-02-06-33-07.
Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles, nabili ng lucky winner ang kanyang lucky ticket sa Davao City.
Upang makubra ang premyo, pinayuhan ni Robles ang mapalad na mananaya na magtungo sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City. Kailangan niyang magprisinta ng dalawang balidong ID at ang kanyang lucky ticket.
Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.