Advertisers

Advertisers

PWD patay sa sunog sa Tondo

0 274

Advertisers

Isa ang kumpirmadong patay sa naganap na sunog nitong Sabado sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang biktima na si Carlo Cruz, 12 angyos, na may down syndrome.

Ayon na rin ito sa kumpirmasyon ng kanyang ama na si Baltazar Cruz.



Ayon kay Baltazar, sinikap niyang ilabas ang anak sa nasusunog nilang bahay pero hindi kinaya dahil malaki ang kanyang anak.

Nagsimula ang sunog pasado 11:00 ng umaga sa residential area sa Sandico St. Tondo, Manila at idineklarang fire out ala-1:00 na ng hapon.



Pahirapan naman ang mga bumbero mag-apula sa sunog dahil mauubosan ng tubig at walang fire hydrant sa lugar .

Aabot sa mahigit-kumulang 20 bahay ang natupok ng apoy na pawang gawa sa light materials .



Tinatayang nasa P350 libong piso naman ang naging pinsala ng sunog na umabot sa ikatlong alarma.

Patuloy pang iniimbestigahan ang sanhi o pinagmulan ng sunog sa naturang lugar.(Jocelyn Domenden)