Advertisers

Advertisers

CHAIRMAN BACHMANN PRAYORIDAD ANG DEKALIDAD NA PASILIDAD NG PSC AT PAMBANSANG KOPONAN

0 172

Advertisers

DEKALIDAD na pasilidad sa sports venues para sa mga atleta ng bansa at tanggapan ang nasa prayoridad ng bagong pamunuan ng Philippine Sports Commission (PSC) ni Chairman Richard Bachmann.

Binisita nitong weekend ng naturang sports chief ang PSC training camp sa Baguio City upang makadaupang -palad ang mga national athletes mula boxing, muaythai, at athletics.

“I can say that there are a lot of improvements to be done. We have a lot of work to do, but I know we will be able to accomplish it slowly but surely,” wika nib Bachman sa kanyang mensahe sa PSC workforce sa flag raising ceremony kahapon sa Rizal Memorial Sports Complex (RMSC) sa Maynila.



Ang national boxing team sa pangunguna ni Tokyo Olympics silver medalists Carlo Paalam at Nesthy Petecio, Asian Games silver medalist Rogen Ladon, at SEA Games medalist Irish Magno ay nagkaroon ng pagkakataong i- discuss ang mga plano sakanilang training at competition kay nang saksihan ni Bachmann ang kanilang pageensayo.

“Masaya po kami na mabisita ni Chairman Bachmann dito sa Baguio. Dagdag encouragement po ito sa amin na mapanood at ipakita kung paano talaga ang training ng isang atleta araw-araw,” ani Paalam, kakapanalo ng gold nitong 2022 ASBC Championships sa Jordan.

Ang boxing team ay kasalukuyang nakatira sa PSC Baguio kung saan nageensayo din ang national athletes at coaches na naghahanda para sa paparating na international tournaments ngayong taon tulad ng 32nd Southeast Asian Gamessa Phnom Penh, Cambodia at 19th Asian Games in Hangzhou, China.

Bukod sa training facilities saBaguio City,binisita din ni Bachmann ang iba pang national teams tulad ng windsurfers sa Anilao, Batangas; gymnastics squad sa Intramuros, Manila; squash, soft tennis, table tennis, water polo para-athletics teams sa RMSC sa Manila at Philsports Complex sa Pasig City.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">