Advertisers
Kulong ang isang babaeng scammer nang magpanggap ito sa Facebook bilang si Gandara, Samar Mayor Warren Aguilar at nangurakot ng P1 milyon mula sa ilang tao, kabilang ang mga kaanak ng alkalde.
Sa ulat, gumawa ng pekeng Facebook account ang suspek na si Nicole Jann Babagay, ng Barangay San Policarpio ng nasabing bayan, at nagpanggap na si Aguilar para manghingi ng pera simula noong Nobyembre noong nakaraang taon.
Sa ulat, nakarating ang pambubudol ng scammer sa alkalde kaya pinaimbestigahan ito.
Dinakip ng pulisya si Babagay habang pinaiinom niya ang kanyang mga kaibigan sa araw ng kanyang kaarawan sa Calbayog nitong Martes.
Nabatid na nauna na rin kinasuhan si Babagay ng swindling at estafa noong nakalipas na mga taon.
Kinasuhan si Babagay ng paglabag sa Cybercrime Prevention Act.