Advertisers

Advertisers

Dahil sa transport strike, online class iniutos ni Mayora Honey

0 157

Advertisers

IPINAG-UTOS ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagsasagawa ng asynchronous o online classes sa lahat ng antas sa public schools sa lungsod hanggang sa matapos ang transport strike na magsisimula sa Lunes, Marso 6, 2023.

Sa isang public advisory na inilabas ni Lacuna sa media sa pamamagitan ng kanyang spokesperson na si Atty. Princess Abante, inanunsyo ni Lacuna na ang direktiba ay sakop ang lahat ng levels at magtatagal hanggang Sabado, Marso 11, 2023.

Dahil pa rin sa nakatakdang transport strike, hinihikayat ng alkalde ang lahat ng mga private schools na magsagawa muna ng online classes sa isang linggo sa halip na face-to-face classes.



Kumpara sa synchronous learning o face-to-face kung saan ang mga estudyante at guro ay nagsasama-sama sa parehong oras at lugar via virtual o physical classes, sa asynchronous classes, ang estudyante naman ay maaring makuha ang mga kakailanging materyal sa oras na mas gusto nila at makakapag-interact sa kanilang mga kaklase nang mas mahabang oras.

“Asynchronous courses are defined as online courses where the instructor, the learner, and other participants are not engaged in the learning process at the same time. There is no real-time interaction between students and instructors, and the content is created and made available for later consumption,” base pa sa kahulugan ng salitang asynchronous

Ang mga pribadong pamantasan at kolehiyo tulad ng University of Santo Tomas, Dela Salle University, Ateneo de Manila at Colegio de San Juan de Letran ay nag-anunsyo na magsasagawa sila ng online classes sa isang linggo.

Mayroong mahigit na 100 public elementary at high schools sa Maynila. (ANDI GARCIA)