Advertisers

Advertisers

Cristine at Marco, magdyowa na

0 187

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

MATAPOS na mapabalita noong may something kay Marco Gumabao at sa co-Viva artist niyang si Cristine Reyes, may mga birdie na nag-tweet na nasa ‘more than interesting stage’ na raw ng ‘getting to know’ ang relasyon ng dalawa.
Katunayan, may kibitzers na nagsasabing magdyowa na raw ang dalawang stars ng “Martyr or Murderer.”
May mga nagmamahadera pag nagtaray na tila di nila bet ang ganoong klaseng relationship na mala-“incest” itey lalo pa’t ang mga karakter na ginagampanan nila sa pelikulang kasalukuyang palabas ay mag-ama.
Si Cristine kasi ang gumaganap bilang Imee Marcos samantalang si Marco ang nagbibigay-buhay naman sa role ng batang Ferdinand Marcos, Sr. sa “Martyr or Murderer”.
Anyway, kung totoo ang tsika, masaya kami para sa kanila.
After all, pareho naman silang single at walang sabit at deserved nilang maging happy.
Matatandaang kumalat noon sa social media ang kanilang litrato na magkasama silang nagbakasyon sa Siargao.
May isang netizen din na isang scuba driving instructor ang nag-post noon ng isang video sa socmed na sighted ang dalawa in their sweet, unguarded moments.
Mayroon ding na-upload na videos noon sa Instagram page ng isang @jcdogrepublic na namataan silang namimili ng mga gamit para sa kanilang fur babies.
Tweet pa ng isang netizen, “Speaking of Marco, sila pala ni Cristine Reyes no?” kalakip ng screenshot mula sa isang video.
Sa vlog naman ng talent manager turned vlogger na si Ogie Diaz ay natalakay rin nila kung may “something” nga ba kina Marco at Cristine.
Tinanong daw ni Ogie ang actor kung nililigawan ba nito si Cristine o meron nang relasyon ang dalawa.
Simple lang daw ang naging sagot ni Marco: “Itanong mo sa kanya.”
Dahil dito nga, mas lumakas ang mga bulung-bulungan at espekulasyon na may namamagitan nang relasyon sa kanila.
Si Marco ay bida sa pelikulang “Baby Boy, Baby Girl” na katambal ang beauty queen-actress na si Kylie Verzosa na palabas na simula sa Marso 22 sa mga sinehan sa buong bansa.
Ito ay sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.