Advertisers
PINAGPAPALIWANAG ni Philippine National Police (PNP) Chief, General Rodolfo Azurin Jr., ang Regional Director ng Police Regional Office 7 at Provincial Director ng Negros Oriental kaugnay ng napaulat na limang miyembro ng police security team ni Governor Roel Degamo ang sabay-sabay na nag-absent noong araw nang pasukin sa kanilang tahanan at patayin ang gobernador at walong iba pa.
Sa Press conference sa Camp Crame nitong Lunes, sinabi ng PNP Chief na pinatawag narin niya ang limang pulis para magpaliwanag.
Tiniyak ng PNP Chief na “all accounted for” ang naturang mga pulis, kasabay ng pagsabi na handang humarap sa Kongreso ang mga opisyal ng PNP para magpaliwanag.
Lumutang ang posibilidad na nakipagsabwatan ang mga pulis sa mastermind sa krimen, na pinapa-imbestigahan ni House Speaker Martin Romualdez.
Nilinaw naman ni Gen. Azurin na normal lang na hindi sabay-sabay mag-duty ang mga miymebro ng security detail dahil may rotation sa kanilang schedule kungsaan dalawa o tatlo lang ang naka-duty bawat araw.
Dagdag ni Azurin, ang mga naturang pulis ay personal na pinili ni Gov. Degamo. – Mula sa Radio Pilipinas