Advertisers

Advertisers

‘Negosyo’ ang motibo sa pagpatay kay Aparri VM Alameda

0 171

Advertisers

TUKOY na ng Philippine National Police (PNP) ang isa sa motibo sa pananambang kay Aparri, Cagayan Vice Mayor Rommel Alameda at limang iba pa sa Bagabag, Nueva Vizcaya noong Pebrero 9.

Ayon kay PNP Chief, General Rodolfo Azurin, mariin na tinututulan ni Alameda ang matagal nang black sand mining operation sa Cagayan.

Sinabi pa ni Azurin na mayroon nang ‘persons of interest’ ang PNP kung saan kinukuhanan na ang mga ito ng panayam at affidavit.



Maliban kay VM Alameda, patay rin sa ambush sina Alexander Agustin Delos Angeles, Alvin Dela Cruz Abel, Abraham Dela Cruz Ramos, John Duane Banag Almeda, at Ismael Nanay.

Lulan ang mga biktima ng Starex van patungo sa Maynila nang tambangan sila ng mga armadong kalalakihan na nakabihis-pulis.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">