Advertisers

Advertisers

Ruru maraming niligawan pero nagseryoso kay Bianca

0 215

Advertisers

Ni GERRY OCAMPO

NAPANUOD last Saturday ang pagbabalik ni Alden Richards sa Eat Bulaga at hindi nito napigilang maging emosyonal.
Matagal-tagal na rin kasing hindi nakikita si Alden sa noontime show dahil na rin sa kanyang hectic schedule. Sabi niya masayang-masaya siya pero at the same time ay napaiyak siya.
“Siyempre masaya! Ang tagal ko ring hindi nagawa `to. Nakaka-miss talaga lalo na ang Dabarkads.”
Sabi pa niya, hindi niya napigilang maging emosyonal nang muli niyang makasama ang mga Dabarkads.
“Naiyak ako eh. Actually kanina medyo naiyak lang talaga ako noong pagpasok ko ng dressing room tapos niyakap ko sila,” pahayag ni Alden.
“Medyo matagal din akong nawala talaga. Naramdaman ko yung tagal ng panahon pero ngayon, I am back, Dabarkads!” say ni Alden.
***
ALAM ng mga reporter ang mga niligawan at naging dyowa ni Ruru Madrid. Sa Fast Talk with Boy Abunda ay kulang daw kasi ang binanggit ni Ruru na niligawan niya sina Yassi Pressman, Lexi Fernandez at Barbie Forteza.
Hindi binanggit ni Ruru na niligawan din niya sina Janine Gutierrez at balitang niligawan din si Arra San Agustin. Bukod nga sa dalawa ay pinormahan din ni Ruru na cast ng Bubble Gang at may isa pang former Kapuso na lumipat na. Naging girlfriend daw ni Ruru si Ate Gurl na kung saan nakitang bumisita sa bahay nina Ruru sa Marikina.
May isa pang Kapuso actress na niligawan din daw ni Ruru pero hindi na itinuloy dahil naging sila na ni Bianca Umali. Niligawan ni Ruru ang mga nabanggit noong wala pa silang relasyon ni Bianca.
Ngayon ay behave na raw si Ruru mula nang maging girlfriend si Bianca dahil mahal na mahal niya ito at ayaw niyang mawala pa ito sa kanyang buhay. In fairness ay mahal na mahal din siya ni Bianca.
Aminado naman si Bianca na hindi talaga perfect ang relasyon nila ni Ruru. Nagkakaroon sila ng burnout dahil everyday sila magkasama at nagtatrabaho para sa drama series na The Write One sa GMA-7.
Like recently ay nag-unfollow sila sa isa`t isa pero mabilis ang fans at kaagad na-detect ito.
“It was just a small fight. So hindi siya something na dapat maging big deal, ”say ni Bianca.
“We follow each other again. Ang bilis kasi ng fans eh.” masayang pag-amin ni Bianca.
“So yung pag-unfollow namin sa isa`t isa was a spur of the moment. Nasa height of emotion.
“Aminado naman kami na being in a relationship ..Wala naman talagang perfect na relationship, you really go through sa maliliit na tampuhan, lalo na for us na magkasama kami everyday sa trabaho, every single day working. So it`s normal I guess na nagkakaroon ng burnout, pero ok naman,” say pa ni Bianca.
Anyway, first time nagtambal sa The Write One sina Ruru at Bianca na mag-asawa ang role nila at may anak sila. Yung behind the scene photo ng kanilang lips to lips ay kuha sa kanilang wedding scene kaya may dahilan kaya nagkaroon sila ng kissing scene.