Advertisers

Advertisers

Andrea Brillantes may koneksyon sa sindikato

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Ipinakita nina Andrea Brillantes at Enrique Gil ang kanilang pagiging mas bukas at natural kumpara sa kanilang mga karakter sa seryeng A Secret in Prague, na umiikot sa mga lihim, pagmamahalan, at sakripisyong kailangang harapin ng kanilang mga papel.

Sa naturang serye, ginagampanan ni Andrea ang karakter na Kiara, isang dalagang pilit pinananatili ang normal na buhay sa kabila ng koneksyon sa isang makapangyarihang sindikato. Samantala, si Enrique bilang si Mikoy ay isang police asset na kailangang itago ang kanyang damdamin para kay Kiara habang lihim na kumakalap ng ebidensya laban sa pamilya nito.

Aminado naman ang aktor na pinipili na lamang niya ang mga taong mapagkakatiwalaan. “Just don’t trust anybody,” aniya.

Para naman kay Andrea, mas open siya sa kanyang nararamdaman at paniniwala. “Sobrang open book ako… the truth sets you free,” saad niya lalo’t hindi raw siya mahilig magtago ng sikreto at mas pinipiling maging tapat sa lahat ng sitwasyon.

Samantala, abala rin ang dalawa sa kani-kanilang negosyo. Si Andrea ay may beauty brand na Lucky Beauty, habang si Enrique naman ay co-producer ng Slingshot Studios.