Advertisers

Advertisers

JMFyang, kinabog ang FranSeth

0 3

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Isang certified box office hit ang pelikulang “Almost Us” na pinagbibidahan nina JM Ibarra at Fyang Smith.

Katunayan, nasa second week na ito mula nang magbukas ito sa mga sinehan sa buong bansa noong Mayo 6.

As of May 12, humamig na rin ito ng P23 milyon sa takilya at patuloy na pinipilahan pa.

Kabaligtaran naman ito sa pelikula ng FranSeth na mas senior loveteam sa dalawa na nag-open noong April 29 na ayon sa sources ay umabot lamang sa P500K gross ang opening day sa takilya.
Ang nakakalungkot pa ay na-pull out agad ito sa ibang mga sinehan.

May mga nagsasabi namang kinapos sa publicity ang follow-up movie ng FranSeth kung saan ang debut film nitong “My Future You” ay pinuri ng mga kritiko.

Anyway, ito naman ang komento ng kibitzers nang mapag-usapan ang dalawang pelikulang Pinoy tungkol sa love teams sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.

“Congrats sa JMFyang. Naka-score sila ng box office.”

“Mas solid naman kasi ang following ng JMFyang kumpara sa FranSeth.”

“Kulang kasi sa publicity at promotions ang movie ng FranSeth.”

“Naku, watch out. For sure, kakabugin sila ng DonBelle dahil sila ang next na ipapalabas.”

“Kumita naman kasi ang pelikula ng JMFyang dahil sa block screenings.”

“Uso na naman ngayon ang pa-block screenings. Additional kita rin iyon sa pelikula.”

“Iyong P23 milyon parang break-even lang.”

“Hello, sa panahon ng krisis. 23 million is 23 million.”

“Para lang siyang AshDres, iyong pelikula nilang “Minamahal” shown last year grossed almost the same for two weeks.”

“Disappointing iyong FranSeth, modest hit iyong JMFyang, ano naman kaya ang box office result ng pelikula ng DonBelle?”

“Sayang ng potensyal ng JMFyang movie. Natabunan ng issue sa Senado. Hahaha.”

Samantala, magkasabay namang nag-perform sa nakaraang ASAP X Experience noong Linggo sa Smart Araneta Coliseum ang tambalang JMFyang at FranSeth.

Nandoon din sina Kai Montinola at Kyle Echarri (KaiKyle) at
Alexa Ilacad at BGYO member na si Gelo Rivera (GelEx.)