Advertisers

Advertisers

Grade 6 stude, 4 beses ni-rape ng matandang binata

0 175

Advertisers

Kalunos-lunos ang sinapit ng babaeng grade 6 student nang paulit-ulit itong gahasain ng matandang binata sa lungsod ng San Jose Del Monte (SJDM), Bulacan.

Kinilala ang suspek na si alyas Bert, caretaker; habang ang biktima itinago sa pangalang “Mika”, 12-anyos, kapwa residente ng Brgy. Citrus.

Sa report ng SJDM police, nangyari ang panghahalay noong Pebrero 5, Pebrero 8, Marso 11 at ang huli 2:00 ng madaling araw nitong Marso 14 taong kasalukuyan.



Ayon sa paunang imbestigasyon, ang huling insidente nitong Marso 14, nang pasukin ng suspek ang kwarto ng biktima at tuluyang gahasain.

Nabatid na laging pinagbabantaan ng caretaker ang paslit na papatayin ang ina nito kapag nagsumbong siya kanino man.

Kalaunan napansin ng ina na may kakaiba sa ikinikilos ng anak kaya pilit niyang inusisa ito hanggang sa umamin sa mga nangyaring kababuyang ginawa sa kanya ng caretaker.

Dahil dito, humingi ng saklolo ang mag-ina sa mga Barangay Tanod na agad rumesponde sa lugar kaya nahuli ang suspek at kalauna’y isinuko sa pulisya.

Sinasabing matapos takutin at gahasain ng suspek ang biktima binibigyan niya ito ng pera bilang kabayaran at upang hindi magsumbong kanino man.



Nakatakdang magtungo ang biktima sa Regional Forensic Unit 3 para sa genital examination habang nahaharap ang nakakulong na suspek sa kaukulang kaso.