Advertisers

Advertisers

Notorious gunrunner, huli sa Maynila

0 160

Advertisers

Arestado ang isang lalaki na isang notorious gunrunner, na may kinabibilangang grupo at sangkot din sa pagnanakaw sa Maynila.

Sa ulat, isinagawa ng mga taga Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team ang entrapment operation laban kay Babymar Salatandol sa may kahabaan ng Mel Lopez Boulevard.

Ayon sa pulisya, labas-pasok ang suspek sa kulungan at bumabalik sa pagbebenta ng baril.



Lumabas sa kanilang imbestigasyon na kasapi ang suspek sa isang gunrunning group, kung saan niya kinukuha ang mga binibenta niyang baril.

Ito na ang ikaapat na kaso ng suspek, na nakulong na rin noong 2015, 2017 at 2019 dahil sa illegal possession of firearms, robbery-holdup at gunrunning.