Advertisers
Ano na nga ba ang LA Lakers pagkatapos ang trade deadline ng NBA noong ika- 9 ng Pebrero.
Kamusta na ang W-L record nila nang maipagpalit si Russell Westbrook? Papasok ba sila sa playoff o kahit sa play-in man lang? Nakabuti ba o nakasama ang pagkawala ni Westbrook sa koponan?
Kung susumahin ang mga pagwawagi at oagkatalo nila mula noong panahong tinutukoy natin ay mayroon ang prangkisa ng mga Buss na 9 na panalo at 5 na pagkasawi. Positibong pagbabago yan lalo’t malaking bahagi nito ay wala pa si LeBron James.
Ibig sabihin mas maganda ang chemistry ng team ngayon kaysa noong araw. Higit na bagay sa squad sina Michael Beasley, Jared Vanderbilt at D’Angelo Russell kaysa kay Brodie. Siyempre dapat banggitin din natin sina Mo Bamba na nakuha kahalili si Patrick Beverley at ang mas naunang dumaring na si Rai Hachimura.
Lumaki, nadagdagan ng mga mahuhusay sa tres at magagaling sa depensa. Bumata pa kamo na sina James at Anthony Davis na lamang ang may edad na 30 pataas. 38 na si LeBron at kakatrenta lang ni LeBrow.
Eka nga sa wikang Ingles ay… Darvin Ham’s boys just got taller, sharper, younger therefore better. Statistics don’t like. Ang Lakers nagsimula na 2-10 sa standings pero sa kasalukuyan ay 34-36 na. Bagama’t hindi pa sila nakatungtong sa ,500 na mark ay kita naman ng lahat ang malaking improvement.
Sabi nga ni Tata Selo ay nagampanan na ng front office ang kanilang tungkulin na mapaigi ang line-up kaya nasa coaching staff at mga player na ang bola na gawin ang kanilang trabaho.
Sa madali’t salita mas oks ang After Westbrook.
***
Dahil din sa mas magandang laro ng Lakers ngayon ay hindi na magaganap na makipag-swap ng pick ang New Orleans sa kanila na bahagi pa ng trade noon na nakasentro kay AD. Kung natuloy kasing bumagsak sila ay posible na sila pa makasungkit sa numerong unong prospect sa taong ito na si Victor Wembanyama, ang tinuturing ng marami na best draftee mula nang pumanhik si King James sa NBA. Pag nagkaganoon ay ang swerte naman ng Pelicans na makipagpalit sila ng pick.
Wala na ang panaginip ng N.O.
***
Ang Utah Jazz naman ang minalas nang maipamigay sa 3-man deal ang hugot nila sa LA Lakers noong 1979. Lumitaw na sila ang may No. 1 pick na naging Magic Johnson pala. Hala ang palad naman ng tinseltown team na sa kanila napunta ang matinik na 6-9 na cager at nagkampeon sila agad sa rookie year nito, Apat pang kampeonato ang naihatid sa Hollywood ng tinatawag na best point guard sa kasaysayan ng liga.