Advertisers

Advertisers

Mag-utol na senior natagpuang patay

0 306

Advertisers

Patay na nang matagpuan ang dalawang senior citizen sa loob ng isang bahay sa Sampaloc, Maynila nitong Biyernes ng umaga.

Kinilala ang mga biktima na sina Elizabeth Porras y De Leon, 84, walang asawa, pediatrician; at Alicia Porras y De Leon, 64, may sakit na schizophrenia at kapwa walang asawa at nakatira sa no. 323 Verdad St., Sampaloc, Maynila.

Sa imbestigasyon ng MPD-Homicide Section, nagtungo umano ang witness na si Malou Veras sa bahay ng mga biktima upang magdala ng pagkain ngunit walang sumasagot kaya nagpasaklolo ito sa Lacson PCP.



Sa tulong ng pulisya, napasok ang tinutuluyang bahay ng mga biktima at tumambad sa kanila na wala nang buhay ang dalawang senior citizen habang nakahiga sa ikalawang palapag ng bahay.

Kasambahay ang testigong si Veras ng kaanak ng mga biktima na si Atty. Anna Patricia Jacobo.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng MPD-Homicide Section ang insidente.(Jocelyn Domenden)