Advertisers

Advertisers

Salome Salvi kaabang-abang ang pagsasabog ng alindog

0 2,147

Advertisers

Ni NONIE V. NICASIO

ANG adult content creator na si Salome Salvi ay bahagi na ngayon ng Viva Artist Agency.
Una siyang napanood sa Vivamax original film na KITTY K7 at ngayon ay isa sa cast ng pinakabagong Vivamax original series na “Sssshhh”.
Gagampanan ni Salome sa naturang serye ang isang podcaster na nagbibigay ng payo sa mga mag-asawa na may pinagdadaanan sa kanilang mga sex life.
Ang SSSSHHH ay mula sa direksiyon ng kilalang Cult Director na si Roman Perez Jr.. Ang naturang serye ay mapapanood na simula March 26, 2023.
Tampok dito sina Vince Rillon, Alexa Ocampo, Rash Flores, Amanda Avecilla, Aica Veloso, Quinn Carrillo, Micaella Raz, Aerol Bren C. Carmelo, Elora Españo, Gboy Pablo, Aziz Menaj, John Derey Guevarra, Jeffrey Hidalgo Chesca Paredes, Arron Villaflor, Julia Victoria, VR Relosa, Yen Durano, at ang VMX sexpert na si Salome Salvi.
Aktibo pa rin si Salome sa paggawa ng mga videos sa Pornhub, isang bagay na hindi kasama sa kontrata niya sa Viva.
Nang pumirma ng kontrata si Salome sa Viva Artist Agency ay kasama niya ang co-manager na si Mark Ranel Grabador, ang creator ng Entertainment Web.
May iba pang mga proyekto na inaasahan na gagawin ang newbie sexy actress na si Salome sa number 1 streaming platform sa bansa, ang Vivamax.
Kaya abangan ang pagsasabog niya ng alindog at kakaibang pangiliti sa mga adult theme projects na nakatakda niyang gawin.