Advertisers
Ni ROMMEL GONZALES
MAGKO-compete sa isang international television and movie film festival ang hit historical portal fantasy series na Maria Clara At Ibarra.
Pasok ang programa sa shortlist ng New York Festivals TV & Film Awards para sa taong 2023 sa ilalim ng kategoryang Entertainment Program: Drama.
Masaya itong ibinalita ni Maria Clara at Ibarra concept creator and head writer Suzette Doctolero.
“Finalist ang Maria Clara at Ibarra sa New York Fest! Huhuhu. Salamat po, Lord!!!!” sulat niya sa Instagram.
Kinikilala ng New York Festivals TV & Film Awards ang mga palabas na nagpapakita ng inobasyon at inspirasyon para sa susunod na henerasyon.
Igagawad ang mga parangal nito sa isang seremonya ngayong parating na April.
Samantala, ngayong April din magiging available sa streaming giant na Netlix ang Maria Clara at Ibarra.
GMA’s groundbreaking series “Maria Clara and Ibarra” streams on Netflix …
Binge-watch “Maria Clara and Ibarra” with family and friends beginning April 14 on Netflix Philippines.
Maaari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
***
MAGPAPAMALAS na naman si Kapuso actor Gabby Eigenmann ng isang natatanging pagganap sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman o #MPK.
Sa episode na pinamagatang “Mana sa Inang Ama: The Jester Mendoza Story,” gaganap siya bilang Jester, isang LGBTQIA+ parent na magkakaroon ng LGBTQIA+ na anak.
Bata pa lang si Jester, alam na niyang bakla siya. Gayunpaman, pipilitin siyang magpakalalaki ni Wena, karakter ni Vaness del Moral.
Magkakaroon ng anak ang dalawa, si Prince Sandra, played by Gold Aceron. Hindi magiging maayos ang relasyon nina Jester at Wena kaya maghihiwalay rin sila.
Lalaki sa poder ni Wena si Prince at hindi man ito nakikita ni Jester, regular naman ang pagpapadala niya ng sustento rito.
Pero mangungulila rin si Jester sa anak kaya nais niya itong makilala. Laking gulat niya nang malaman na isa ring bakla si Prince tulad niya.
Matatanggap ba ng mag-ama ang isa’t isa?
Kasama rin sa episode si Bugoy Cariño na gaganap bilang teenage Jester at si Dexter Doria na gaganap bilang Josie, ang lola ni Jester.
Abangan ang kakaibang kuwentong ito sa brand new episode na “Mana sa Inang Ama: The Jester Mendoza Story,” March 18, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
***
NAG-work ayon sa Sparkada hottie na si Vince Maristela ang nararamdaman niyang kaba nang maka-eksena for the first-time si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa Daig Kayo Ng Lola Ko.
Gumaganap bilang working-student na si Atom si Vince, samantalang si Barbie naman ang pumu-portray sa lead na si Lady na isang property manager.
Sa naging online chikahan ng Sparkle actor at ni Zonia Mejia sa online livestream event last March 12, inalala ni Vince ang moment na nagkita ang karakter niya na si Atom at si Lady.
Lahad niya, “’Yun kasi ‘yung first scene ko ever dun sa Daig [Kayo Ng Lola Ko], ‘tapos medyo kinakabahan ako.
“Sabi ko, ‘Never ko po naka-eksena si Ate Barbie [Forteza] ‘tsaka si David [Licauco].’
“So, parang bahala na, kaya ‘to tutulungan naman ako. Feeling ko parang nahihiya nga ako. Pero, nag-match naman siya sa eksena kasi ‘di ba boss ko si Lady. So, parang medyo nahihiya ako.”
Marami rin siyang napulot na lessons working with Barbie na isang award-winning actress.
Kuwento niya kay Zonia, “Since first-time ko maka-work si Ate Barbie and si Kuya Luke [David Licauco], ang na-realize ko is iba kung paano niya atakihin ‘yung eksena. ‘Yun ‘yung pinakanapulot ko dun sa show na ‘yun, ‘yung mga natutunan ko and first time ko nga makipag-work sa ibang tao, kasi dati sa Luv Is lang ako.
“Hindi predictable ‘yung eksena for me. Minsan nga ‘yung ginagawa ni Ate Barbie wala sa script e, nakakatuwa.”
For more exclusive content from the cast of Daig Kayo Ng Lola Ko: Lady & Luke, check out these online videos below or visit the GMANetwork.com.