Advertisers
AYAW talagang tumigil ni Manila Vice Mayor Yul Servo Nieto sa kanyang pagtulong sa kahit na sinong taga-lungsod na nangangailangan.
Kaya naman sa kanyang bawat kilos at galaw ay pawang pagbibigay ng pangunahing serbisyo sa mga residente ng kabisera ng bansa ang kanyang inuuna. Kabilang dito ang pagtutok sa pangangailangang pangkalusugan ng kanyang nasasakupan na siyang sentro ng Vice Mayor’s medical missions program nitong March 11, 2023 sa mga residente ng Zone 20, District 2 sa Jose Abad Santos St., Tondo, Manila.
Ang 12th medical mission ni Nieto sa loob ng kanyang siyam na buwang panunungkulan bilang bise alkalde ng Manila ay serye ng mga medical missions na ginagawa sa pakikipagtulungan ng Manila City government offices, Philippine Coast Guard, government agencies at pati na ng professional at business groups mula sa pribadong sektor.
“Patuloy po akong nagpapasalamat sa mga tao af grupong walang humpay ang pagsuporta sa programa na ito ng opisina ng Bise Alkalde ng Maynila. Dahil po sa inyong patuloy na pagtulong at pagtitiwala sa programang ito, libo-libo na pong mga Manileno at Manilena ang natulungan natin,” pahayag ni Nieto.
Naroon din sa nasabing medical mission ang mga kinatawan ng mga distrito, konsehal ng ikalawang distrito para sumuporta sa medical mission ni Nieto at sa kanyang pangakong magkaloob ng libreng free general check-ups sa mga bata at matatanda, gamot, minor surgery procedures. Mayroon ding eye check-up at salamin sa mata na pawang libre at walang bayad.
Bahagi din ng isinagawang medical mission ang pagbibigay ng libreng routine laboratory tests tulad ng blood sugar screening at urinalysis.
Bukod pa sa libreng healthcare services, nagbigay din ng libreng pagkain at libreng wellness services tulad ng massage, alis-kuto, haircut and facial.
Maging ang pagbibigay ng tulong sa pagkuha ng birth certificate ay hindi pinaligtas ni Nieto sa kanyang medical mission.
“Kahit anong bigat po ng responsibilidad na ito, hindi titigil ang opisina ng Bise Alkalde ng Maynila dahil kami po ay nakahandang mag lingkod sa bayan sa lahat ng oras. ” sabi pa ni Nieto. (ANDI GARCIA)