Advertisers

Advertisers

May order sa Malakanyang na idiin ako sa Degamo killing – Teves

0 175

Advertisers

Isiniwalat ni Negros Oriental Rep. Arnie Teves Jr. na nakakuha ito ng impormasyon na nagsasabing nais siyang idiin ng Malacanang bilang mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Sa 17 minutong Facebook video message na pinost ni Teves, sinabi nito na hindi siya naniniwala sa nakuhang impormasyon at nanatili ang kanyang tiwala kay Pangulong Bongbong Marcos.

“Kaya ako nagsalita ngayon, dahil sinabihan ako na may order daw galing sa Palasyo na idiin ako lalo dun sa killing. Pero bago pa yung killing, may operation na at may nagsabi rin sakin na may order din daw sa Palasyo. Alam ko Mr. President na wala kayong kinalaman dito. Sana lang mapuna niyo yung ibang mga tao dyan sa gobyerno ginagamit ang inyong pangalan para sa kanilang pansariling kapakanan” pahayag ni Teves.



“Hindi ako naniniwala na si President BBM mag-oorder na tirahin ako or i-operate ako para lang masolo ng ibang tao ang e-sabong. Hindi ganun si President BBM” dagdag pa ng mambabatas.

Nilinaw ni Teves hindi na siya konektado sa e-sabong.



Sinabi ni Teves na sa nangyayari ngayon malinaw na siya at ang pamilya Degamo ang biktima.

‘Sobrang kawawa na ako. Pareho lang kami ng pamilya Degamo na biktima dito. Biktima sina Degamo, ako rin biktima dahil ginagamit ako ng marami dyan for political mileage” giit ni Teves.



Mensahe ni Teves sa mga gumagamit sa kanya sa negosyo ng e-sabong na magnegosyo na lang at huwag na siyang siraan habang sa mga pulitiko na sumasakay sa isyu ay tumakbo na lang.

“Kung gusto niyong magnegosyo ng e-sabong, magnegosyo kayo. Wala nanman pumipigil sa inyo eh. Yung mga nagbabalak dyan tumakbo, senador, ano mang gusto niyo, tumakbo lang kayo. Wag kayo manira at gumamit ng ibang tao para sa inyong pansariling kapakanan,” ani Teves.

Umapela din ito kay Pangulong Marcos na masyado na siyang nakakawawa sa isyu na wala naman siyang kinalaman.