Advertisers

Advertisers

Faustino, Colonia nagdagdag ng 2 silvers sa Pilipinas

0 159

Advertisers

DINAGDAGAN nina Rosalinda Faustino at Angelina Colonia ng 2 silver medals ang Pilipinas sa International Weightlifting Federation (IWF) World Youth Championship sa Durres,Albania Martes.

Nakaipon si Faustino ng kabuuang buhat na 178 kilograms sa women’s 55kg division para sa ikalawa ng dalaweang philippine overall silver medals.

Binuhat ni Faustino ang 100kg sa clean and jerk na sapat para sa gold medal sa naturang category. Binuhat nya rin ang 78 kg sa snatch department.



Samantala, nakamit ni Colonia ang isa sa 2 overall silver medals Lunes matapos maangat ang kabuuang 155 kg.

Nabuhat ni Colonia ang 72kg sa snatch kung saan nakuha nya ang kanyang gold medal sa nasabing category.



Nabuhat rin nya ang 183 kg sa clean and jerk pero hindi naging sapat para maiuwi ang medalya sa nasabing departamento.

Sa pangkalahatan, ang Pilipinas ay nakaipon ng 4 overall medals sa Youth Championship.



Prince Keil pinagharian ang 49kg division, habang si Albert Ian ang nangibabaw sa men’s 61kg.