Advertisers

Advertisers

‘Killers’ sa Tondo timbog; ‘serial killer’ fake news!

0 218

Advertisers

Naaresto na ng Manila Police District (MPD) ang dalawang killer sa magkasunod na insidente sa Tondo, Maynila nang kumalat ang kuwento na may ‘serial killer’ sa lungsod.

Kinilala ang isa sa suspek na si Jay-Jay Martelino alyas “Pusod” na naaresto ng mga tauhan ni LtCol. Ibay 11:30 ng umaga nitong Miyerkules, Abril 12. Itinago muna ang pagkakakilanlan ang isa sa salarin at hitsura dahil sa takip na jacket sa mukha.

Si Marcelino ang itinuturong salarin sa pamamaril sa biktimang si Ruel Yabao, 20, construction worker, ng Pastor St., Tondo nitong nakaraang Abril 9, dakong 12:20 ng madaling araw na nagresulta sa pagkamatay nito.



Ang isa pang gunman na si alyas “Ivan,” kasalukuyang pinaghahanap pa ng pulisya.

Lumutang din sa pulisya ang unang inakusahan na ‘serial killer’ sa kumakalat na litrato sa social media na si Joel Justiniani, alyas Joel Blandy, na itinanggi na siya ang pumatay sa mga biktima sa Balut, Tondo. Lumutang siya para linisin ang kaniyang pangalan.

Una nang itinanggi ni MPD Director Police BGen Andre Dizon na may ‘serial killer’ sa siyudad.

Kinumpirma niya na may dalawang shooting incidents noong Abril 9 at 10 na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang biktima. Sa dalawang insidente, iisa ang itinuturong gunman.

“Magkasunod po. Pareho illegal drug-related ang mga kaso nyan po. Two victims, iisang shooter po,” saad ni Dizon.

Binaril at napaslang nitong Abril 9 sa Nepa Street sa Brgy. 142 Tondo ang 20 anyos na si Ruel Yabao habang nitong Abril 10 naman ng paslangin sa parehong kalsada ang pedicab driver na si Noel Mirano.



Inamin ng isa sa suspek na P50,000 ang bayad sa kanila para isagawa ang mga pagpatay at may kaugnayan talaga sa ilegal na droga ang pamamaslang.