Advertisers

Advertisers

Liza ‘di binati sa kaarawan ang syotang si Enrique; Joshua inisip na tapos na ang career nung pandemya

0 188

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

MARAMING nagtatanong na netizens kung may something or hiwalay na ang couple na Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa apat na taon, laging ang sweet ng birthday greetings ni Liza sa bf. Matatandaan noong March 30, 2019 ay magkasama pa ang couple na nag- celebrate ng birthday ni Enrique sa Bali, Indonesia.



Kahit naman ang mga fans ng LizQuen ay nababahala na rin sa kanilang mga idolo at pansin na wala ngang birthday greetings ang dalaga.

Kaya iisa lang ang tanong, split na ba or hiwalay na ba ang dalawa?



Bukod tanging ngayon taon na 31 years old na si Enrique ay never at walang pagbati ng maligayang kaarawan si Liza sa bf.

Kaya di maialis sa isipan ng netizens na hiwalay na ang couple.



May nag wish naman na sana ay di true ang haka haka at tsika ever lang na hiwalay na ang dalawa.

Hmmmp!?

***
SA pagbabahagi ni Joshua Garcia ay talagang nagkaroon ito ng takot at pangamba noong pandemya.

Inisip nito na tuluyan na itong mawawalan ng karera.
Dagdag pa nga raw na nawalan ng franchise ang home studio nito tapos breadwinner pa ang aktor.

As in, na hopeless na ito na magbabalik sigla muli ang showbiz industry. Nagpasalamat naman ito na kahit paano ay may naipon ito.

Kaya di naman sila sumala sa pagkain. Nag isip si Joshua nung panahon ng pandemic kung paano iingay ang kanyang namesung.

As in, maraming natengga sa trabaho dahil sa corona virus.

Hirap daw ng sitwasyon ni Joshua noon dahil breadwinner ito ng kanilang pamilya.
Mabuti nga lang daw at nauso ang Tiktok na naging paboritong tutukan ng maraming tao noong nasa ilalim pa lahat ng pandemya.

Kung dati ay walang trabaho nung pandemya ngayon naman ay pila balde ang mga proyekto ni Joshua.

Well, well, well… ‘Yun na!