Advertisers

Advertisers

PPA employees nega sa surprise drug test

0 125

Advertisers

SUMAILALIM sa surprise drug test ang mga empleyado ng Philippine Ports Authority (PPA) nitong Abril 18 at negatibo lahat ang humigit-kumulang 500 kawani nito mula sa head office, Port Management Office (PMO) ng NCR-North at PMO NCR-South.

Isinagawa ang surprise drug test bilang pagtalima sa umiiral na PPA Memorandum Order 04-2016, “Drug Free Workplace Policy”, na naglalayong magkaroon ng maayos, malinis at malayo sa droga na mga opisina ng PPA.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, sinisigurado nilang naipapatupad ang mga ganitong regulasyon para mapanatili ang kaayusan sa ahensya.



“Sumasalamin sa ginawa nating surprise drug testing ang katapatan ng ating mga empleyado sa pagkakaroon ng malinis at serbisyong may integridad,” saad ni GM Santiago.

Layon din aniya ng ahensya na maging ligtas ang opisina at magkaroon ang lahat ng healthy lifestyle kahit nasa trabaho.



“Bilang mga empleyado ng gobyerno, dapat tayo mismo ay maging mabuting modelo sa publiko lalo na at wala namang magandang naidudulot ang droga sa ating katawan. Nagsama na rin kami ng PDEA para sila na mismo ang bahala kung sakaling may magpositibo sa mga sumailalim sa surprise drug test,” wika naman ni Port Police Supt. Acting Manager Genaro Mancio Jr.

Alinsunod ang nabanggit na memorandum sa RA 9165, Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, na ipinapatupad ang pagkakaroon ng random drug testing sa mga opisyal o empleyado ng mga pampubliko o pribadong opisina.(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">