Advertisers

Advertisers

‘Send-to-all’ hybrid machines posible na sa 2025 – COMELEC

0 185

Advertisers

SUPER modernong “send-to-all’ hybrid machines na may high-speed scanning capacity at 13-inch screens kung saan mabe-verify ng mga botante ang kanilang boto kung nabilang ang posibleng gamitin ng Commission on Election (COMELEC) sa 2025 local election.

Ito ang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na umaasa rin na maaprubahang gamitin sa lokal na halalan sa 2025 upang matiyak ang tranparency atbmas mabilis na resulta.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay tinalakay ni Garcia ang usapin sa nasabing hybrid machine nang siya ay mag-guest sa ‘MACHRA’s Balitaan sa Harbor View’ ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), dito sinabi nya na isa sa special features ng makina na posibleng gamitin base sa kanyang plano, na mayroon itong malaking screen na may kakayahan na mag-transmit ng resulta sa lahat ng concerned parties nang sabay-sabay.



“We will fully comply with the law. Kung ito yung VCM (vote counting machine) ng isang presinto, itong machine na ito pag nagpadala magpapadala sa City Hall kung saan kina-canvass (election results), magpapadala sa PPCRV, magpapadala sa citizens’ arm, sa KBP, sa majority party, sa minority party, sa Congress so send to all. Ngayon, kung isa dun magsalita na iba ang kanyang result, bahala saha sa buhay niya samantalang lahat, pare-parehas,” paliwanag ni Garcia.

Ayon kay Comelec chair, ito ang naisip niyang paraan upang matiyak ang transparency at kahalagahan na makuha ang tiwala ng mga botante.



“Wala na kong makikitang mas matinding transparency than that. Paano makakasiguro na ang binoto namin ‘yan ang binilang ng machine? Pero me isa pa ‘yung laging tanong ng tao, ‘Paano kami nakakasigurado na ‘yung balotang hinulog nmain yan ang binilang ng machine? Oo me nakita kaming resibo pero ‘yung binilang, ‘yun ba ‘yun?” Tanong ni Garcia

Sinabi pa ni Garcia na para maayos na matugunan ang karaniwang tanong na ito ng mga botante, ay kailangan na makaisip ng paraan kung saan mabe-verify ng mga botante na nabilang ang kanilang balotang ipinasok sa makina.



“Paano masisiguro ng botante na ‘yung hinulog niya nabilang? Diyan papasok yung ‘hybridized’ system. Hindi ko pabibilang ang balota manually dahil pag binilang mo ang 800 balota per precinct aabutin tayo ng apat na araw tapos i-autoumate mo pa,” paliwanag nito.

Ayon pa kay Garcia, dapat ay may hybrid system sa bawat isang makina, hindi yung makina kung saan ang balota ay bibilangin pa manually at ang imahe ng balota ay makikita ang harap at likod.

“Hindi hybrid na minachine mo tapos binilang mo isa-isa. ‘Yun ang purpose kung me screen na malaki, kung kaya 15-17 inches mas maganda,” ayon pa kay Garcia.

Sa ilalim ng sistema, sinabi ni Garcia na maaaring kunan ng litrato ng mga watchers ang balota at pagkatapos ay maari nila itong bilangin, dahil ang makina na ay nai-transmit na ang mga balota upang maiwasan din ang pagkabalam.

Binaggit pa ng Comelec chair na ang Comelec ay nagpa- fast-tracking na in terms of reference dahil umaasa sila na sa July ay mayroon ng procurement short of award, dahil kailangan na unahin ang pag-train, introduce o educate kung paano ang mga tao ay boboto sa ilalim ng bagong sistema gamit ang ‘hybrid machines’.

“Kasi kung maganda nga ‘yung makina, kung hindi naman nauunawaan ng tao, hindi rin po sila basta makakaboto nang maayos. Trust will always begin with voters’ education and information” dagdag pa niya. (ANDI GARCIA)