Advertisers
Muling nananawagan sa publiko ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na i-register na ang kanilang mga sim cards.
Ito’y matapos aprubahan ng Pangulo ang 90-day extension ng SIM card registration na magsisimula bukas, April 27,2023. Binalaan din ang publiko na posibleng tumaas ang text scams.
Ang approval ng Pangulo ay ginawa kasunod ng isinagawang sectoral meeting sa Malacanang na dinaluhan ni DICT Secretary John Ivan Uy at mga opisyal ng National Telecommunications Commission.
Ang Republic Act No. 11934 o ang SIM Registration Act na nilagdaan ni Pangulong Marcos nuong October 10 2022 ay naglalayong mapigilan ang nakaka- alarmang pagkalat ng spam messages at scams sa bansa.
Pero sa kabilang banda,isa tayo sa nangangamba na posibleng maabuso ang ganitong mga batas lalo na at walang kongkretong safety nets ang inilatag para maproteksyonan ang taong bayan mula sa tinaguriang “intrusion” sa kanilang privacy bilang mga pribadong mamamayan lalo na ngayong usung- uso ang paggamit ng cell phone sa mga e- transactions na gamit ang pera.
Paanong masisiguro ng gobyerno na hindi maa- access ng “intelligence community gaya ng pulisya at military ang mga personal bank accounts at e- money accounts gaya ng sa Gcash at mga kahalintulad nitong e- devices?
Malaki ang posibilidad na mabilad ang mga mamamayan sa harassment at extortion ngayon g may unlimited access na ang pamahalaan cell phone devices.
Halimbawa na lang ay ang mabiktima ang mayayamang negosyante ngayon expose na ang kanilang mga itinatagong pera sa bangko at sa ilan pang banking institution na ginagamitan ng online transactions?
Posibleng tumaas ang mga kaso ng kidnap for ransom at extortion ngayong expose na ang mga negosyante at iba pang individuals sa online transactions. Lantad na Ang identities ng mga sim card users at walang malinaw na safeguards para proteksyonan ang mga ito laban sa masasamang- elemento gaya ng mga sindikato.
Kung noon ay walang data base para sa mga cellular phones users ay nagagawang i-access ito ng sindikato ngayon pa ba na meron na?
Nai- scam ng mga masasamang- loob,ngayon pang naka- registered na ang identities ng mga tao?
Paano na ang mga nagsusumbong na mamamayan laban sa katiwalian sa gobyerno gamit ang 8888 platform?
Exposed na rin ang kanilang identities at napaka- daling buweltahan ng mga taong kanilang isinumbong.
Para sa inyong lingkod,ang RA 11934 ay karagdagang problema kesa solusyon laban sa mga mga online scams.
Kailangan pa ang mas malawak at malalimang pag- aaral ng mga dalubhasa (experts) bago ganap na ipatupad ito at obligahin ang mga tao na sumunod dito.
Hilaw na hilaw pa talaga!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com