Advertisers

Advertisers

Operasyon ng inu-umagang sugalan, ‘di parin napatigil ni Bulacan Prov’l Dir. PCol Arnedo?

0 195

Advertisers

Patuloy na inirereklamo ng mga concerned citizens ang umano’y nagpapatuloy na operasyon ng mga iligal na sugalan sa lalawigan ng Bulacan.

Hiniling ng mga concerned citizen kay Bulacan PNP Provincial Director PCol Relly Arnedo ang pagtutok sa nasabing suliranin.

Ayon sa mapagkakatiwalaang source ng BALYADOR, nagpapatuloy ang operasyon ng inu-umagang drop ball at color games na matatagpuan sa Burol 2nd Balagtas, Barangay Buwisan Bustos, Barangay Sto Cristo Baliwag, Barangay Masuso Pandi, Bulacan na bukod sa perwisyo ay madalas umano ang kaguluhan at pagtatambay ng mga adik sa lugar.



Ibinunyag pa nito na padaan-daan lang ang mga police mobile sa mga nabanggit na lugar na animoy walang nakikita.

Sinabi ng source na gabi-gabing may mga nagsusugal sa mga nabanggit na lugar ngunit wala itong nakikitang aksyon ng Bulacan PNP.



Idinagdag niya na may ilang pulis na nangunguna at nagsisibling “bantay” sa mga iligal na sugalan sa Bulacan.

Giit nila ang pananahimik ni Bulacan PNP Provincial Director PCol Relly Arnedo gayong lantaran umano sa kanyang hurisdiksyon ang operasyon ng inu-umagang sugal na kung tawagin ay ‘Pergalan’ na ang iba ay nasa tabi pa mismo ng munisipyo, barangay hall at police station.



Anila hindi naging epektibo ang “No Take” Policy at ang ipinagpatuloy na “Internal Cleansing” ni PNP Chief, Gen. Benjamin Acorda Jr., maging ang babala nito sa kapulisan na tatanggalin at kakasuhan ang sinomang pulis na sangkot o protektor ng sugal.

Tinatawagan din natin ang pansin ni PRO3 Regional Director PBGen Jose S. Hidalgo, Sir!

***

Suhestyon at Reaksyon mag-email lang sa balyador69@gmail.com. – Ugaliin ring makinig sa programang “BALYADOR” mula lunes hanggang biyernes 11:00am-12:00noon sa RADYO NG MASA entertainment net radio. tuwing miyerkules 9:00am-10:00am sa 96.9 FM Radyo Natin Calapan City, Oriental Mindoro at tuwing Sabado 9:00am-10:00am sa DWBL 1242 kHz AM Mega Manila. Mapapanood live sa Facebook at Youtube chanel.