Advertisers

Advertisers

Tuloy ang laban sa COVID-19… ‘MAG-INGAT, MAG-MASK’ – BONG GO

0 184

Advertisers

Sa gitna ng tumataas na positivity rate sa ilang lugar, hinikayat ni Senator Christopher “Bong” Go ang taongbayan na mag-ingat at magsuot ng face mask kung maaari kahit hindi ito mandatoryo, lalo sa mga pampublikong lugar, dahil naririyan pa rin ang COVID-19.

Sa ambush interview matapos niyang ayudahan ang mga residente sa Cavite City, binigyang-diin ni Go ang kahalagahan ng personal na responsibilidad sa pagpoprotekta sa sarili kaya hinihimok ang mamamayan na magsuot ng face mask kahit walang kautusan na ito ay mandatoryo.

“Sa ngayon, voluntary ang pagsusuot (masks). Bagama’t boluntaryo, nananawagan ako sa ating mga kababayan na kung walang hadlang… magsuot pa rin tayo ng face masks,” ani Go.



Binigyang-diin din ni Go ang kahalagahan ng pagmamahal at pangangalaga sa pamilya at komunidad bilang motibasyon sa patuloy na pagsusuot ng mask kung hindi rin naman nakasasagabal.

“Hindi natin alam kung may dala tayong sakit pag-uwi natin. Kung mahal natin ang ating mga magulang, lolo’t lola, mas mabuting protektado tayo para mas maprotektahan din sila dahil mas delikado kapag nagkasakit sila,” ayon sa senador.



“Halos tatlong taon na nating nilalabanan ang pandemya ng COVID-19. Huwag nating sayangin ang ating mga sakripisyo laban dito. Patuloy tayong mag-ingat upang tuluyan na tayong makabangon sa krisis,” idinagdag niya.

Iminungkahi ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na kailangang gawing mandato ang face mask at iba pang mga paghihigpit sa pandemya sa kabila ng tumataas na kaso ng COVID-19.



Pero sinabi ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na magsuot ng mask ang mga Pilipino kung kinakailangan bilang pag-iingat.

Ipinaalala naman ni Go sa publiko na ang pagpapabakuna ay ang pinakamahusay na proteksyong kinakailangan upang makabalik sa normal na pamumuhay.

Ayon sa OCTA Research, mula Abril 25 hanggang Mayo 2, ang national positivity rate para sa COVID-19 ay bahagyang tumaas mula 15.2% hanggang 17.1%, habang ang positivity rate sa Metro Manila ay tumaas mula 12.7% hanggang 19.7%.

“Proven naman po na ang bakuna po ang tanging susi o solusyon. Kapag bakunado ka, mas protektado,” ayon sa mambabatas.