Advertisers
MATINDING selos ang nangibabaw kaya hindi nakontrol ang sarili ang nag-udyok sa isang lesbian na saksakin ang lalaking nadatnan kasama ang kanyang nobya sa loob ng Condominium unit nitong Huwebes (May 11) sa Las Pinas City.
Batay sa ulat na natanggap ni SPD District Director PBgen Kirby John Brion Kraft, nakilala ang nasawi na si John Patrick A Bencio, nasa hustong gulang.
Hindi na nakapalag nang arestuhin ng mga otoridad ang suspek na si Erica Malbacias Galasinao ,32,lesbian (tomboy),project engineer, residente ng Alabang at Almanza Uno, Las Pinas City.
Siya ay isinailalim na sa inquest proceedings sa Las Pinas Prosecutors Office para sa kasong homicide.
Ayon sa ulat ng pulisya, ang insidente ay naganap dakong alas 11:30 ng gabi sa One Premium Condominium Concha Cruz Almanza 1 Las Piñas City.
Nabatid na bago nangyari ang insidente ay umuwi ang suspek ng condominium kung saan umano nakatira ang babaeng ‘partner’nito at nasorpresa nang madatnan ang biktima na nasa loob ng condo unit kasama ang nobya.
Sa gayong tagpo ay biglang nagselos ang suspek at nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng tatlo hanggang magdilim ang paningin ng tomboy kung saan ay walang pangiming sinaksak nito sa tiyan ang lalaki.
Nagawa pa mismo ng supek na isugod sa Asian Hospital ang biktima subalit hindi na ito umabot pa ng buhay.
Inaresto na ang suspek sa hospital ng mga tauhan ng Sub-Station 5 na sina P/Cpl.Bernard Castañeda at Cpl. Latoja at narekober ang ginamit na patalim. (JOJO SADIWA)