Advertisers

Advertisers

RIDING-IN-TANDEM SUNUD SUNOD ANG ATAKE SA QUEZON: 3 PATAY, 4 GRABE

0 199

Advertisers

TATLO ang nasawi at 4 ang sugatan sa apat na magkakasunod na kaso ng pamamaril ng riding in tandem sa Lucena City at Tiaong, Quezon sa loob ng wala pang isang linggo.

Nangyari ang unang insidente ng pamamaril sa Barangay Mayao Castillo, Lucena City kungsaan nasawi ang 42 anyos na lalaki at ang kanyang 12 anyos na anak na babae nang pagbabarilin ang sinasakyan nilang tricycle habang patungo sa eskwelahan ng bata Lunes ng umaga.

Dead on the spot ang tatay habang dead on arrival sa ospital ang bata.



Nitong Miyerkoles, binaril-patay ng riding-in-tandem ang 48 anyos na lalaki na residente ng Barangay Isabang ng nasabi paring lungsod.

Pauwi ang biktima sakay ng motorsiklo galing sa paghahatid sa anak sa eskwelahan nang pagbabarilin ng riding in tandem malapit sa gate ng kanilang tinitirhang subdivision.



Huwebes ng gabi, binira rin ng riding in tandem ang 28 anyos na construction worker habang naglalakad sa highway sa Brgy. Ibabang Iyam, Lucena City.

Tinamaan din sa pamamaril ang isang driver na nagkataon kumakain sa isang kainan sa lugar na kalapit ng pinangyarihan ng krimen. Nakaligtas ang dalawa na parehong isinugod sa ospital.



Sa Tiaong, Quezon, sugatan ang mag-asawang senior citizens na taga-Brgy. Cabay, nang pagbabarilin ng riding in tandem sa highway sa Sitio Centro, Brgy. Del Rosario habang sakay ng tricycle 3:30 ng Huwebes ng hapon. Nakaligtas ang mag-asawa.

Napag-alaman na kalalabas lang ng custodial facility ang mister nitong Mayo 9 sa bisa ng piyansa, nang maaresto ng CIDG Laguna PFU dahil sa kasong illegal possession of firearm noong April 28, 2023.

Pawang nakatakas ang mga salarin sa apat na insidente.